Masasayang Araw Sa Bukid.

Tuwing Bakasyon ay pumupunta kami sa bukirin nang aming lolo.At doon magbabantay kami sa palayan,dahil may mga ibong maya na nangangain ng butil ng palay,at sa di inaasahang pangyayari sa kakatakbo sa pilapilan ako ay nahulog at lumubog sa putikan,hehehhe.Pagka,ahon ay nagmukha tuloy akong kalabaw na puno ng putik,Pero di doon nagtapos ang pangyayaring iyon.Dahil nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko!,laro dito laro doon naman ang nangyari buong maghapon.,na akala ba eh wala ng bukas para maglaro ulit.Maagang gumigising ang mga tao sa bukid,lalo na ang lolo’t lola ko habang humihigop ng kape ay nagkukwentuhan.
Sa bukid ay payapa ,tahimik at masarap ang simoy ng hangin,na dama mo sa iyong balat.Maraming gawain sa bukid,tulad na lamang ng pagtatanim at pag-aani ng mga palay,manu-manong pagbayo ng palay upang magkaroon ng bigas.Noong kabataan ko ay di ako yung batang lakwatsa dito,lakwatsa doon.Namulat ako na trabaho ang inuuna bago makapaglaro.

    Mga Masasayang Araw Noong Ako ay Bata Pa😉

    Sa edad na 5 hanggang 6 ay madalas akong nasa kapitbahay namin,nakikipaglaro ng bahay-bahayan,lutu-lutuan,bahay na ang bubung ay dahon ng saging,at dahon namn ng niyog ang dingding.

    Sobrang saya,na kahit wala pang gadget noon ay masaya kaming nakikipaglaro sa mga kaibigan namin ,larong shato,bato lata,chinese garter,piko atbp.

    Tuwing sabado ay masaya kaming nagtatampisaw sa ilog,langoy dito langoy doon.Mga alala-alang kay sarap balikan.😉